Mommy bot and baby bot came to Town
Kaya nga ba ayokong pupunta dyan sa Town center eh! napapaghalata na wala kami ni husband na sense of direction. Kung hindi nga lang birthday ng anak ni connie(friend and soon to be neighbor in new zealand) di na talaga ako pupunta doon eh! Palagi kami kung saan-saan napupunta...napabili pa tuloy ng shoes ni baby bot. Naku ke mahal-mahal! Nahihiya lang ako hindi bilhin dahil gusto na daw nya at saka tanungin ba naman ako ng "bakit mommy, mahal ba?...siyempre lingon ako sa saleslady sabay sabing "sige miss kunin na namin". Baka sabihin pang poor kami! (ang totoo 200 pesos lang naman talaga budget ko sa shoes nya). Anakis ng tipaklong nawala agad ang 300 pesos!. Pambili ko na rin sana ng 3 internet card. Pero oki doks lang, napunta naman ang datung kay baby bot. Tiis na lang si mommy at daddy bot na di mag-internet ng matagal. At kapag hindi naibili mag-ala sadako na si baby bot...katakot!!!!
So we better watch out, we better not try coming to Town again....at baka masira uli ang budget.

